AMIA: Teknolohiya bilang paghahanda sa kalamidad, sinimulan na

Patuloy pa rin na nararanasan ng magsasaka at mangingisda ang pabagu-bagong panahon pati na rin ang di maiiwasang epekto nito sa sector ng agrikultura. Ang climate change na ito ay dahilan ng pagtaas ng GreenHouse Gases o GHG na siyang nagpapainit sa mundo at nagdudulot din ng malakas na pagbuhos ng ulan. Kung kayat ang pamahalaan ay patuloy na kumikilos upang maibsan ang mga suliraning kinakaharap ng bansa lalo na sa usaping ito.  Hindi maiiwasan ang pagdating ng mga kalamidad pero ang maaaring epekto nito sa agrikultura at pangisdaan ay maaaring maiwasan o mabawasan ng ating mga magsasaka at mangingisda.

AMIAAdaptation and Mitigation Initiative in Agriculture Isang programa ng Department of Agriculture kung saan nagkaroon ng pagsasanay sa mga Agricultural Extension Worker (AEW’s) upang maging kaagapay sa pagbibigay impormasyon pang agrikultura na naaayon sa  klima o panahon ng isang lugar. Kung kayat noong ika 13-14 ng Hunyo 2019  dumalo ang ilang kawani ng OPAg na sina G. Ronnie Asis, Bb. Desiree Jabines at Bb. Algem Marie Jaucian kasama rin si Engr. Leonard Andaya ng DA ROS Calasgasan, Daet na ginanap sa DA RFO V Library, San Agustin, Pili, Camarines Sur.

Ang Provincial Seasonal Climate Outlook and Advisory (PSCOA) at Farm Weather Outlook and Advisory (FWOA) ay ulat panahon na magsisilbing gabay ng ating magsasaka sa pang araw-araw nilang mga gawain. Napapaloob dito ang mga maaaring maging epekto ng tagtuyot o drought at  malakas na pagbuhos ng ulan sa mga pananim tulad ng palay, mais, pinya, mga high value commercial crops, mga alagang hayop at iba pa. Dagdag pa rito, ay mayroong mga Climate-Resilient Agriculture practices o mga paraan na maaaring gawin ng mga magsasaka upang maiwasan ang mga pagkasira, pagkawala at pagkaubos ng mga pananim.

Mahalaga na maging alerto ang bawat isa sa mga maaaring dulot ng pabagu-bagong panahon. Kung kayat sa mga nagnanais na malaman ang posibleng panahon sa loob ng sampung araw ay bumisita lamang sa facebook page  at website ng OPAG o di kaya ay sumangguni o makipag-ugnayan sa pinakamalapit na Municipal

Farm Weather Outlook and Advisory

Agricultures Office sa inyong lugar o maging tanggapan ng OPAG upang kayo ay mabigyang gabay at impormasyon sa maaring maging dulot ng nagbabadyang panahon.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copy link
Powered by Social Snap