Camarines Norte, muling nakapasok sa Top 4 finalists ng Search for Rice Achiever’s Award 2019

Muli na namang nakapasok ang Camarines Norte sa mga probinsyang kwalipikado para sa Rice Achiever’s Award kung saan labing-isang lalawigan sa Category B ang nagpahayag ng kanilang mga programa para sa mga magsasaka ng palay. Ang pagiging nominado ng probinsya ay base sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) kung saan ang produksyon ng palay sa Camarines Norte ay 4.36 tons per hectare laban sa 4.0 tons/ha na pamantayan para makwalipika. Bahagi ng kompetisyon ang ebalwasyon ng mga dokumentong isinumite ng bawat kalahok kaya’t nagkaroon ng pagbisita ang validation team sa mga lalawigan kabilang dito ang Camarines Norte.

Isinagawa ang nasabing pagbisita sa probinsya noong Abril 3, 2019 para sa ebalwasyon at validation ng mga datos na nakalagay sa scrap book at isinumite ng OPAg. Ang mga bumisita ay sina; Dr. Santiago Obien, Bb. Nemielynn Penalba Pangilinan ng Agricultural Training Institute at Bb. Teodora ng Bureau of Soils and Water Management.

Umaga ng Abril 3, nagsidalo ang mga kawani ng OPAg na maaaring pagbasehan ng ebalwasyon ng mga datos kasama rin ang kinatawan ng Provincial Budget Office, Provincial Accounting Office pati na rin ang bise gobernador na si Engr. Jonah G. Pimentel at punong lalawigan Governor Edgardo “Egay” Tallado. Ikinalugod ng mga bisita ang partisipasyon ng bawat kawani ng OPAg lalung-lalo na ng provincial government of Camarines Norte.

Pormal na binuksan ang programa at tuloy-tuloy na rin sa pagtatanong ng validation team upang beripikahin ang mga datos. Nauna na rito ang naging kontribusyon ng produksyon ng hybrid na palay kung saan

(Mula sa kaliwa) Engr. Almirante A. Abad (Provincial Agriculturist), Dr. Santiago Obien,, Gng. Nemielynn Pangilinan (ATI), Gng. Teodora (BSWM) at G. Cesar Mirana (Prov’l. Rice Coordinator)

ayon kay G. Ryan I. Villaflores, Provincial Hybrid Rice Coordinator, umaabot sa 12%  ng kabuuang produksyon ng palay sa lalawigan ang produksyon ng hybrid rice.  Itinanong din ang kung gaano nakatulong ang agricultural mechanization sa pamamagitan ng mga rental services sa paghahanda ng lupa at pag-ani ng palay. Naging kapansin-pansin ang bilang ng mga magsasakang nakapagrenta mula Enero hanggan Abril na mas mababa kumpara sa mga nakalipas na taon. Binigyang-linaw naman ito ni Engr. Harold Gestiada na dahil sa dumadami na ang mga samahan ng magsasaka na nakakaavail ng mga makinaryang pansaka, sila na rin mismo ang nagpaparenta sa mga kapwa miyembro maging sa hindi miyembro na dating mga nagrerenta sa kapitolyo. Sa kabila nito, malaking bagay ang agricultural mechanization sa pag-angat ng produksyon ng palay sa Camarines Norte.

Isa rin sa napansin ng mga bumisita ang pagkakaroon ng mga Municipal Coordinator ng probinsya para sa mas mabilis na koordinasyon sa bawat bayan. Ang mga nakatalagang Municipal Coordinators ay ang mga sumusunod:

  • Basud  –  Brenda Meneses   
  • Capalonga  –  Jay Canaria
  • Daet  –  Manuel Odi
  • Jose Panganiban  –  Dulce Doriman
  • Labo  –  Rowena Ramos
  • Mercedes  –  Desiree A. Jabines
  • Paracale  –  Maria Victoria Lamadrid
  • San Lorenzo Ruiz  –  Santiago Malaluan
  • San Vicente  –  Ador T. Sanchez
  • Sta. Elena  –  Rowil Diaz
  • Talisay  –  Ryan I. Villaflores
  • Vinzons  –  Raul Carrido

Samantala, sa ganap na ala-una ng hapon, nagsimula ng maglibot ang validation team kasama ang ilang kawani ng OPAg para sa panayam sa mga magsasaka mula sa bayan ng Basud, Daet, Talisay, Vinzons at Labo. Naging positibo ang sagot ng mga magsasaka pagdating sa mga serbisyong ipinagkaloob sa kanila ng probinsya una na dito ang pagkakaloob ng mga seed subsidy. Ang OPAg din ang naging katuwang ng DA sa pagvalidate ng mga asosasyon upang makaavail ng mga libreng makinaryang pansaka.

Nagkaroon ng palitan ng kaalaman sa pagitan ng magsasaka at mga nag-ievaluate/validate pagdating sa pagtatanim ng palay. Isa na dito ang napansing pag-atake ng mga insekto/peste o mga fungus sa palay sa Barangay Gahonon sa bayan ng Daet kung saan kasalukuyang inaatake ang palayan ng army worm. Naging bukas ang magsasaka sa suhestyon ng mga bisita at dahil dito inaasahang magkakaroon ng pagbibigay-alam o awareness pagdating sa armyworm sa mga susunod na araw.

Grupo ng mga magsasaka ng Basud kasama ang national validation team at ilang kawani ng OPAg
Grupo ng mga magsasaka ng Labo kasama ang national validation team at ilang kawani ng OPAg
Grupo ng mga magsasaka ng Vinzons kasama ang validation team at LGU staff

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *