DA-ALPAS, inilunsad sa Camarines Norte

Ang Plant, Plant, Plant Program o Ahon Lahat, Pagkaing Sapat (ALPAS) ay programa ng Department of Agriculture (DA) upang labanan ang hamon ng New Normal hatid ng pandemyang COVID-19. Ang nasabing programa ay naglalayon na palakasin ang agriculture and fishery sector sa bansa, magbibigay ito ng benepisyo hindi lamang sa parte ng mga magsasaka at mangingisda kundi hanggang sa mga consumers. Tumatayang nasa 31 bilyong piso halaga ang pondong nakalaan para dito upang matugunan ang ibat-ibang mga programang saklaw nito tulad ng Rice Resiliency Project, Upscaling of KADIWA ni Ani at Kita, Direct Marketing Program, Expanded Agriculture Insurance, Fisheries Resiliency, Strategic Communications, at iba pa.

Noong ika-11 ng Disyembre, 2020 ay ginanap ang Launching ng Plant, Plant, Plant Program sa Camarines Norte sa Agro Sports Center, Daet, Camarines Norte na dinaluhan ng ibat-ibang mga panauhin mula sa Department of Agriculture – Regional Field Office–5 (DA-RFO 5) sa pamumuno ni Regional Executive Director Rodel P. Tornilla, Camarines Norte Governor Edgardo A. Tallado, Hon. Marisol “Toots” Panotes ng House of Representatives, Municipal Mayor ng San Vicente Francis Ong, Municipal Agriculturists ng labindalawang bayan, Barangay Agriculture Extension Workers (BAEWs) at mga kinatawan mula sa mga piling Farmer’s Association (FA).

Ayon kay Camarines Norte Governor Edgardo A. Tallado, ang suporta ng Provincial Government sa mga magsasaka ay patuloy at inaasahan na sa pamamagitan ng mga programang halintulad nito ay mahikayat ang marami pang mga magsasaka na magpatuloy sa pagtatanim sapagkat hindi rito tumitigil ang suporta ng pamahalaan bagkus ay simula pa lamang ito sa pagkamit ng lalawigan sa sufficient o sapat na pagkain ng lalawigan.

Binigyang diin rin ni Provincial Agriculturist Engr. Almirante A. Abad na sa pamamagitan ng kaniyang tanggapan ay makakaasa ang mga magsasaka at mangingisda na gagawin nila ang kanilang tungkulin sa pagpapaunlad ng sektor ng pagsasaka at pangisdaan sa lalawigan katuwang ang ibat-ibang ahensya maging sa gitna man ng pandemya.

Bahagi naman ng naging mensahe ni Regional Executive Director Rodel P. Tornilla ng DA-RFO V na malaki ang naging papel ng sektor ng agrikultura ngayong panahon ng pandemya at sa nakalipas na dalawang quarters ay bukod tanging ang sektor na ito ang nagbigay ng positive increase sa ekonomiya kasunod ng pagpapaliwanag ni Ms. Aileen G. Rafer, Agricultural Center Chief II ng mga adhikain at mga programang saklaw ng Plant, Plant, Plant Program, sumangayon rito si Congresswoman Marisol “Toots” Panotes, sapagkat napatunayan umano na sa panahon ng krisis tulad ng pandemya at gaano man maging moderno ang ating pamumuhay, mga magsasaka pa rin ang magsisilbing sandigan ng bawat sektor.

Sa pamamagitan naman ng isang video message, sinabi ni Board Member Reynoir V. Quibral, Committee Chairman on Agriculture na malaking tulong ang Plant, Plant, Plant Program dahil bukod sa pandemya ay lubos ring napinsala ang sektor ng agrikultura sa lalawigan dulot ng nagdaang mga bagyo, magandang simula ito upang makabangon ang mga magsasaka sa lalawigan at patunay na ang programang ito na may gobyernong nakaagapay sa panahon ng kalamidad.

Tinatayang nasa isang daan at limampung Farmer’s Association (FA) ng una at ikalawang distrito ng Camarines Norte ang tumanggap ng P2 Milyon halaga ng Financial Assistance mula KADIWA, 10,294 bags ng Rice Seeds (Certified–4,799 bags at Hybrid-5,495 bags), Corn Seeds, Garden Tools, Vegetable Seeds, Fertilizers, Palay Seed Cleaner, Hand Tractor with Trailer at iba pa. Lubos ang pasasalamat ng mga asosyasyon sa mga ayuda at makinaryang natanggap at naway sa pamamagitan ng mga ito makamit ng lalawigan ang masaganang ani at mataas na kita.

Copy link
Powered by Social Snap