Dalawang klase ng pili sa Provincial Farm, pumasa sa inspeksyon ng BPI

Mahigit 500 na puno ng pili ang nakatanim at kasalukuyang pinangangalagaan ng OPAg-Production and Techno Demo Farm (PTDF) sa lugar ng Brgy. Calasgasan, Daet, Camarines Norte.

Ngunit sa dami ng bilang ng puno na ito ay hindi matukoy kung anong klase at barayti ang mga punong ito, kung kaya’t ang OPAg-PTDF ay lumiham sa BPI-NSQCS na magsagawa ng pagsusuri sa mga punong ito upang malaman ang mga uri ng pili na nakatanim sa farm. Dalawang beses nagsagawa ng ebalwasyon, mula sa laki at taas ng puno, hugis ng mga dahon, laki at amoy ng mga bunga ng pili.

Makatapos ang pitong buwan, bumalik ang BPI-NSQCS upang magsagawa ng tagging base sa lumabas sa resulta sa kanilang pag-aaral. Ang mga sumusunod ay mga puno ng pili na pumasa sa pangkabuuang inspection.

Sa kabuuan, may 31 na puno ng pili na rehistrado at sertipikado na ng BPI-NSQCS. Sa kasalukuyan, nagsasagawa na ang OPAg-PTDF ng pagpaparami ng mga pantanim mula sa nasabing mga registered certified na puno ng pili.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copy link
Powered by Social Snap