Harvest Festival sa aquasilviculture project ng OPAg, naging matagumpay

          Ang OPAg-FDD (Fisheries Development Division) ay nagsagawa ng harvest festival noong Setyembre 16, 2019 sa aquasilviculture project sa Bagasbas, Daet, Camarines Norte. Ito ay dinaluhan ng mga fisherfolks mula sa coastal municipalities ng lalawigan. Dumalo rin sa nasabing gawain ang pamunuan ng PAFC sa pangunguna ni Chairman Efren Mago at mga kawani ng provincial government.

          Ang payat na alimango na may timbang na 250 gramo bawat isa ay inilalagay sa plastic na hawla na may sukat na 0.5 metro ang haba, 0.5 metro ang lapad at 0.3 metro ang lalim. Ito ay pinatataba sa loob ng 20-25 na araw at pinapakain ng trash fishes sa daming 10% ng kabuuang timbang ng bawat alimango.

          Samantala, ang lapu-lapu fingerlings na may sukat na 3-up ay inihuhulog sa natural depression na may sukat na humigit kumulang na 20 metro ang haba kung saan ang mga plastic na hawla na may stocked na alimango ay nakahanay. Ang mga lapu-lapu ay binibigyan ng trash fishes sa nasabing dami at inaalagaan sa loob ng limang (5) buwan.

          Bago isagawa ang pag-aani at pagbebenta ng mga alimango at isda, nagsagawa ng isang programa at si Gng. Melinda L. Jerez, ang hepe ng naturang division ang nagbigay ng welcome remarks samantala, nagbigay din ng mensahe si PA Engr. Almirante A. Abad at PAFC Chairman Efren Mago.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copy link
Powered by Social Snap