Mga kinatawan ng samahan ng magsasaka, naging bahagi ng National Rice Awareness Month

         Dinaluhan ng mga kinatawan ng bawat samahan ng magsasaka sa Camarines Norte ang taunang pagtitipon para sa isang pagsusuri ng kasalukuyang kalagayan/status ng kanilang mga makinaryang gamit sa agrikultura. Ginanap ito noong Nobyembre 21 at 22, 2019 bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Rice Awareness Month tuwing buwan ng Nobyembre. Karamihan sa mga makinarya ay ginagamit sa produksyon ng palay at ng ibang pangunahing pagkain kaya naman minarapat na isabay ito sa nasabing pagdiriwang.

             Dumalo ang limampung (50) kinatawan (presidente at chairman), mula sa bawat distrito. Hinati ang grupo sa dalawa upang mas maunawaan ang mga saloobin ng bawat isa. Pinasinayaan ito ng Provincial Agricultural Engineering Division ng OPAg at kanilang inanyayahan ang Department of Agriculture Regional Field Office V (DA RFO V) at dumalo si Engr. Henry Espinar bilang kinatawan ni Engr. Nilda Albaňo. Pinagtuunan ng pansin ang status ng bawat makinaryang kanilang tinanggap maging ng samahan naghahawak nito, ano ang mga problemang nakaharap ng samahan, kasalukuyang renta sa mga makinarya at iba pa.

Unang distrito (Tagalog speaking towns) mga kinatawan ng mga kooperatiba at samahan ng magsasaka kasama sina PA Engr. Almirante A. Abad and kinatawan ng
DA-RAED Engr. Henry Espinar
Pangalwang distrito (Bicol speaking towns) mga kinatawan ng samahan ng magsasaka kasama Sina DA-RAED Engr. Henry Espinar at Engr. Harold R. Gestiada (PAED Chief)

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copy link
Powered by Social Snap