National Congress and 2019 PAA Summit, makatutulong sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura

        Matagumpay na idinaos ang 7th National Congress and 2019 Philippine Agriculturists’ Summit noong ika-7 hanggang 11 ng Hulyo 2019 sa Philippine International Convention Center (PICC) Complex sa Pasay City na may temang “Embracing and Institutionalizing the 4th Agriculture Revolution in the Digital Age”. Ito ay dinaluhan ng mga rehistradong Agriculturist (L,Agr.) ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), Local Government Units (LGU’s) ng Camarines Norte at iba pa mula sa ibat-ibang rehiyon sa pilipinas.

        Ang pagtitipon ay naglalayon na mabigyang pansin ang patuloy na pagunlad ng sector ng agrikultura sa bansa at tuluyang makasabay sa hamon ng makabagong panahon. Naging highlight ng pagtitipon ang pagpapakilala at pagtangkilik ng mga teknolohiya tulad ng Agri-machineries, Climate Information Systems, Mobile Applications at iba pa. Tinalakay rin ang Continuing Professional Development Program (CPD); mga dapat gawin sa pagkuha ng puntos sa renewal ng lisyensya at mga accredited CPD providers.

        Malaki ang naitulong ng nasabing pagtitipon sa pagpapalakas ng sector ng agrikultura ng bansa at magagamit ng mga Agriculture Extension Workers (AEW’s) ng probinsya ang teknolohiyang ito sa epektibong pagbibigay impormasyon at karagdagang kaalaman sa mga magsasaka.

Mga rehistradong Professional Agriculturists ng Camarines Norte at kasalukuyang kawani ng OPAg, ProVet at mga Municipal Agriculture Offices sa lalawigan
Mga rehistradong Agriculturists na kawani ng OPAg

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copy link
Powered by Social Snap