NCPC, bumisita sa lalawigan

Mayo 30, 2019—bumisita ang grupo ng mananaliksik mula sa National Crop Protection Center sa Camarines Norte upang tingnan ang kasalukuyang kalagayan ng industriya ng papaya at saging sa kabila ng mga atake ng peste at mga sakit nito. Nangolekta ang grupo ng mga specimens ng mga saging at papayang may viral na sakit. Pinangunahan ang grupo ni G. Freddie Webb B. Signabon kasama ang Provincial Integrated Pest Management na si G. Ronnie Asis.  Ang magiging resulta ng inspeksyon ay malaking bagay para sa mga magtatanim ng papaya at saging sa lalawigan.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copy link
Powered by Social Snap