Padayog Festival, inilunsad ng bayan ng Sta. Elena

Ginanap ang 50th Founding Anniversary ng Sta. Elena noong Hunyo 18-20, 2019 na dinagsa ng maraming katao mula sa iba’t-ibang barangay ng Sta. Elena at mga katabing lalawigan maging ng mga turista mula sa malalayong lugar dahil sa pinakaabangang Padayog festival at Agri Tourism Fair.

Naimbitahan ang tatlong empleyado ng OPAg na sina Gng. Susana Cereno, Ginoong Santiago Malaluan at Bb. Algem Marie Jaucian upang magsilbing hurado sa gaganaping booth competition at padayog challenge na nahati sa apat na hamon—ang pagkakayod, paggagata, pagbabayo at pagluluto.

Nagpasiklaban ang iba’t  ibang barangay upang ipromote sa publiko ang mga produktong pang-agrikultura na matatagpuan sa kanilang bayan sa pamamagitan ng pagbuo at pagdisenyo ng mga malikhaing booth. Sa 14 na barangay na lumahok, itinanghal na kampeon ang Brgy. Kabuluan, ikalawa ang Brgy. San Isidro at ikatlo ang Brgy. Maulawin.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *