PAFC Camarines Norte, pinarangalan ng DA-RFO 5 bilang Gawad Saka 2019 Regional Outstanding Provincial Agricultural and Fishery Council (PAFC)

              Villa Caceres Hotel, Magsaysay Avenue, Naga City – Ang Department of Agriculture, Regional Field Office No. 5 ay nagsagawa ng pagbibigay parangal sa mga natatanging kababaihan, konseho at iba pang kategorya sa larangan ng Agrikultura at Pangisdaan sa buong Bicol Region. Ito ay dinaluhan nina Engr. Almirante A. Abad, Provincial Agriculturist, Efren S. Mago, PAFC Chairperson, Melinda L. Jerez, PAFC LGU-Based Coordinator, Manuel Odi, Gawad Saka Provincial Coordinator at ng iba pang opisyales ng PAFC. Dumalo rin ang iba’t ibang kinatawan ng bawat lalawigan sa rehiyong Bicol.

               Ang Provincial Agricultural and Fishery Council (PAFC) Camarines Norte bilang isang pribadong sektor na binubuo ng mga lider na mga magsasaka at mangingisda kaagapay ang ilan sa mga ahensya ng pamahalaan ay naisakatuparan ang mga makabuluhang kontribusyon at kapuri-puring pagganap sa pagpapa-unlad ng sektor ng agrikultura sa lalawigan ng Camarines Norte.

          Sa pamamagitan ng epektibong serbisyo ng konseho, ito ay nagbigay daan sa lalawigan ng maging rice-self sufficient ito. Ang PAFC Provincial Monitoring Team ay nagsasagawa ng regular na pagmomonitor sa mga proyekto ng pamahalaan na nakatutulong sa mga magsasaka upang mas mapabilis, mapagaan at mapaunlad ang kanilang kabuhayan. Ito ay nagbigay daan sa pagkakarooon ng feedback mechanism sa pagitan ng mga magsasaka at ng PAFC Provincial Monitoring Team upang malaman ang estado ng proyekto kung napakikinabangan ng mga magsasaka.

               Ipinagmamalaki ng PAFC Camarines Norte ang pagsasagawa ng taunan at kauna-unahang Agricultural and Fishery Council (AFC) Volunteers Day sa buong Bicol Region na pinagtibay ng Provincial Ordinance 44-2018 ni Governor Egay Tallado na gawin ang ikatlong lingo ng buwan ng Mayo bawat taon ng ng AFC Volunteers’ Day. Ang okasyong ito ay magsisilbing   daan   sa   pagkilala   sa  mga  natatanging  lider  sa  sector  ng  agrikultura  at 

pangisdaan at maging sa mga LGU partners nito. Dagdag pa rito, ang konseho ay nakipag-ugnayan sa ibat-ibang ahensya ng pamahalaan upang matulungan ang magsasaka na patuloy na mabigyan ng suporta sa hybrid, registered and certified seeds na pinagbigyan naman ng Department of Agriculture na maisama sa Priorities of the Rice Program para sa taong 2019.

              Naging bahagi din ang PAFC Camarines Norte sa pagkamit ng tinatayang 98.97 rice sufficiency level ng lalawigan sa taong 2017 sa pamamagitan ng pagtaguyod ng mga makabagong teknolohiya ng DA RFO 5 kasama ang PAFC Sectoral Committees and MAFC’s na ipalaganap ang adbokasiya sa paggamit ng mga makabagong gamit sa pagsasaka post-harvest facilities, paggamit ng mga high yielding varieties at good farming practices upang mapataas ang produksyon at mabawasan ang mga post-harvest losses. Sa gawaing ito, ang PAFC Camarines Norte ay naging katuwang ng lalawigan na matanggap nito ang citation sa nakaraang Search for Rice Achievers Award in 2017-2018.

         Ang PAFC Camarines Norte ay natatangi sa kanilang best practices tulad ng monthly EXECOM meeting na pinondohan at sinoportahan ng Pamahalang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Egay Tallado. Ang pagpupulong na ito ay ay nagbibigay opurtonidad upang pag-usapan ang mga isyu at concern ng mga magsasaka at mangingisda. Ito ay ilan lamang sa mga makabuluhang kontribusyon ng PAFC Camarines Norte na naging daan na makamit ang parangal bilang Gawad Saka 2019 Regional Outstanding Provincial Agricultural and Fishery Council (PAFC). Patuloy pa ang pagsulong ng konseho sa mga mga adbokasiya nito upang mas mapaunlad pa ang sektor ng agrikultura at pangisdaan sa Camarines Norte.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copy link
Powered by Social Snap