Paghahanda ng mga flat bed dryer sa darating na anihan, sinimulan na

         Umaabot sa tatlumpo’t pitong (37) flat bed dryer ang naitayo sa lalawigan ng Camarines Norte subalit ilan dito ay may sira na at karamihan ay sahig, walang makina at kakulangan ng marunong na operator ang problema kung bakit hindi magamit. Sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) sa tulong ng Provincial Government ay matagumpay na naisagawa ang Retooling and Coordination Meeting para sa mga flat bed dryer beneficiaries. Dumalo ang mga kinatawan ng bawat samahan na pinagkalooban kasama ang mga itinalagang operator. Ginanap ito noong Oktubre 25, 2019 sa kapitolyo at pinasinayaan ng Provincial Agricultural Engineering Division (PAED).

         Inimbitahan din dito ang National Food Authority (NFA) na dinaluhan ni

G. Rex Francis Zantua habang tinatalakay ang mga pamantayan ng pagbili ng NFA ng tuyong palay mula sa mga magsasaka

Mr. John Rex Zantua, Acting Provincial Quality Assurance Officer upang ipaalam sa mga magsasaka ang kalidad ng palay na binibili nila at sa mas mataas na halaga. Tumatak sa kanila na dapat ay “clean and dry” ang palay upang mapabilang sa first class na binibili ng NFA. Kasalukuyang P19.00 pa din ang bawat kilo ng tuyong palay at inaasahan na magdadala ang mga magsasaka ng kalidad na palay gamit na rin ang mekanikal na pagtutuyo ng palay ngayong tag-ulan.

       Tinalakay din ni Engr. Harold Gestiada ng OPAg ang basic operation kasama ang maintenance ng flat bed dryer. Matapos yun ay pumunta ang lahat sa NFA at sa Irrigation Management Office ng NIA sa Brgy. Lag-on, Daet kung saan aktwal nilang nakita ang mga bahagi ng flat bed dryer at kasalukuyan din itong ginagamit sa NFA. Lubos naman nahikayat na paganahin ang mga sirang flat bed dryer upang maging maayos ang pagtutuyo ng palay ng mga magsasaka sa lalawigan ng Camarines Norte.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copy link
Powered by Social Snap