Paglilipat ng pamamahala ng (CN-APTC) sa LPMPC, isinabay sa Year End Assessment

          Ang Camarines Norte Agri-Pinoy Trading Center ay isa sa mga proyekto na naipagkaloob ni Gobernor Edgardo A. Tallado para sa ating mga magsasaka upang magkaroon sila ng mapapagdalhan ng kanilang ani. Ang paglunsad ng proyekto ay ginanap noong ika-14 ng Mayo na dinaluhan ng dating kalihim ng Kagawaran ng Pagsasaka na si Hon. Proceso J. Alcala at ng iba pang manggagawa ng nasabing tanggapan.

    Nakasaad sa Memorandum of Agreement na limang taon itong pamamahalaan ng Provincial Government sa pamamagitan ng Tanggapan ng Panlalawigang Pansakahan. Ginanap noong ika 20 ng Disyembre, taong 2019 kaalinsabay ang year-end assessment upang malaman ang kalagayan ng proyekto.

Paglilipat ni Punong Lalawigan Edgardo “Egay” Tallado ng “APTC key “ kay Gng. Fe De Mesa-Chairperson ng LPMPC
Pagpirma ng Memorandum Of Agreement bilang bahagi ng naturang seremonya

          Nagsidalo ang mga magsasaka, mangangalakal, kawani ng Provincial Government sa pangunguna ni Gov. Edgardo A. Tallado at Engr. Almirante A. Abad at Board of Directors at General Manager ng Labo Progressive Multi-Purpose Cooperative (LPMPC). Isinagawa rin ang Ceremonial Turn-Over ng CN-APTC operation. Nagkaroon ng paglagda sa Memorandum of Agreement na nakasaad na ang LPMPC ang magpapatuloy sa pagpapatakbo ng CN-APTC sa ika-1 ng Enero, 2020. Humingi ng palugit si Gng. Mario M. Espeso dahil sa kalamidad na dumaan sa ating lalawigan. Nagpadala ng kasagutan ang gobernador at sila ay inaatasan na magsimula na ngayong darating na Mayo taong kasalukuyan.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copy link
Powered by Social Snap