Paglilipat ng pamamahala sa APTC, unti-unti nang sinimulan

Isa sa mga naging usapin ngayon ang paglilipat ng operasyon o pamamahala ng Agri-Pinoy Trading Center (APTC) mula sa Provincial Government of Camarines Norte tungo sa Labo Progressive Multi-Purpose Cooperative (LPMPC). Sinimulan ito sa mga pag-uusap ng mga kaugnay na ahensya at nito ngang Pebrero 12, 2019 ay nagkaroon ng pagpupulong sa tanggapan ng panlalawigang pansakahan na dinaluhan ng nasabing kooperatiba, mga kinatawan ng iba’t ibang tanggapan tulad ng Provincial Budget Office, Provincial Planning and Development Office, Accounting Office at iba ang pamunuan ng APTC. Base sa pulong na ito, nagkaroon na ng market research at bench marking ang LPMPC bilang hakbang para sa nalalapit na paglilipat sa kanila ng APTC. Kaugnay nito, kasalukuyan ng nasa Department of Agriculture (DA RFO V) ang Memorandum of Agreement (MOA) para maging pinal ang mga kasunduan ng dalawang panig.

Inaasahan ang paglipat ng pamamahala sa APTC sa unang buwan ng taong 2020. Sa kasalukuyan, nasa pamamahala pa rin ng pamahalaang panlalawigan ng Camarines Norte ang APTC at patuloy pa rin ang transaksyon sa pagtanggap ng mga produkto mula sa mga magsasaka.  Maaaring magsadya ang ating mga magsasaka sa Sitio Mat-I, Sto. Domingo Vinzons, Camarines Norte para sa mga katanungan lalung-lalo na sa kasalukuyang presyo ng bawat produkto.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copy link
Powered by Social Snap