Pagsasanay sa pagtatanim ng mais, muling dinaluhan ng mga kawani ng OPAg

Taong 2017 ginanap ang unang Training Of Trainers (TOT) on Corn Production sa Daet, barangay ng Calasgasan na nilahukan ng limang agricultural extension workers ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) at ilan mula sa iba’t ibang Municipal Agriculture Offices (MAOs) kung saan maaari nila itong magamit at maipaalam sa mga magsasaka ng mais ang mga teknolohiyang naaayon pa rin sa panahon na nararanasan ngayon sa Camarines Norte. Subalit dahil layunin ng tanggapan na mas pataasin ang produksyon ng mga pangunahing pagkain tulad ng mais, patuloy ang paglahok ng OPAg sa mga pagsasanay pagdating sa produksyon ng mais. Kamakailan lamang ay muling nagpadala ng kinatawan ang probinsya sa katauhan nina Mack Lennon Quibral at Joey Ramirez, kapwa agricultural extension workers ng nasabing tanggapan.

Ang pagsasanay ay naglalayong turuan ang mga agricultural extension workers ukol sa produksyon ng mais sa pamamagitan ng mga hands-on activities at lecture discussions. Isa rin sa makakapagpaglaganap ng kanilang extension abilities ay ang pagtuturo sa mga magsasaka ng kanilang mga natutunan sa bawat paksang tinalakay. Dahil dito, sa loob ng limang buwan, ang ilan sa mga magsasakang dumadalo at nakikilahok ay na natututo ng mga produktibong pamamaraan ng pagtatanim ng mais.

Ang naturang TOT ay magtatapos sa buwan ng Oktubre at inaasahan na maiaambag ng mga dumalong AEW ang mga kaalaman at teknolohiyang kanilang natutunan sa loob ng halos limang buwan na pagsasanay.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *