Pagsasanay ukol sa Bantay-Peste ng palay at gulay

Katuwang ng OPAg, ang Regional Crop Protection Center (RCPC) DA RFO V na magkaroon ng dalawang araw na pagsasanay tungkol sa Bantay-Peste sa mga tanim na palay at gulay. Layunin nito na mapigilan ang pag-atake ng peste sa taniman dahilan para mapababa ang bilang ng mga nasasayang at nasisirang produkto ng mga magsasaka. Ginanap ang pagsasanay sa bayan ng Vinzons noong Mayo 21 at 22; at sa Daet noong Mayo 23 at 24, 2019.

Isa itong pamamaraan ng paglilipat ng teknolohiya tungkol sa mga posibleng peste at mga sakit na aatake sa mga tanim na palay at gulay. Dinaluhan ito ng mga magsasaka ng nasabing pananim na bumuo ng Bantay Peste Volunteer Brigade kung saan isa itong komunidad ng magsasaka na siyang magbabantay at gagawa ng aksyon sa posibleng pag-atake ng peste at mga sakit. Pinamunuan ni G. Ranel Buenvenida ang grupo ng magsasaka ng Vinzons at ni G. Xer Villaluz naman ay napili ng kanyang grupo na manguna sa bayan ng Daet.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *