Pagsasanay ukol sa pagtatanim ng gulay, ginanap sa isa sa mga isla ng Vinzons

Matagumpay na naisagawa ng OPAg ang pagsasanay sa pagtatanim ng gulay sa isla ng Vinzons, sa Brgy. Pinagtigasan noong nakaraang Abril 10-11, 2019. Dinaluhan ito ng mga miyembro ng Samahan ng Nagkakaisang Pamayanan ng Pinagtigasan (SNPP).

Ang pagsasanay na ito ay naglalayong madagdagan ang kaalaman sa pagtatanim ng gulay, matugunan ang problema sa produksyon at mabigyan ng tamang rekomendasyon. Maaari rin nila itong gawing pandagdag kabuhayan o di kaya ay alternatibong pagkakakitaan lalo na sa mga panahong hindi sila maaaring pumalaot o mangisda.

Pinagkalooban ang asosasyon ng isang unit ng greenhouse na pwede nilang taniman ng gulay lalo na kung masama ang panahon. Binigyan din sila ng iba’t ibang klase ng pananim na gulay at pataba para gamitin nilang panimula sa paggugulayan. Ito ay pinagkaloob ng pamahalaang panlalawigan ng Camarines Norte sa pamumuno ni Gobernador Edgardo A. Tallado.

“Lubos kaming nasiyahan at nagpapasalamat sa binigay na tulong na pinagkaloob sa amin. Ito ay aming pagyayamanin kung ano man ang aming natutunan.” ani ni Cynthia Villanueva, pangulo ng asosasyon.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *