Pamimigay ng makinaryang pansaka, tuloy pa rin sa Camarines Norte

July 9, 2020 – Muling nagkaroon ng seremonya ng paglilipat ng mga kaloob na makinarya mula sa Kagawaran ng Agrikultura sa Camarines Norte na ginanap sa Agro Sports Center sa bayan ng Daet. Ang mga nasabing makinarya ay walong (8) palay thresher, isang (1) walk-behind transplanter at sampung (10) water pump o shallow tube well (STW). Ang mga tumanggap ng palay thresher ay ang mga sumusunod: 1) Mactang Lowland Upland Harvester Association (MaLUHA); 2) Magsaysay-Capalonga Farmers Association; 3) Mambalite Fisherfolks and Farmers Association; 4) Brgy. Cabatuhan Integrated and Small Coconut Farmers Association; 5) Masalongsalong Multi-Purpose Cooperative; 6) Barangay Casalugan Farmers Association; at 7) Tabas Farmers Association. Bagamat isa sa walong asosasyon ay hindi dumalo sa nasabing seremonya at kinumpirma ang kanilang pagtanggi sa pamamagitan ng kanilang MAO sa bayan ng Vinzons, kasalukuyang humahanap ng kapalit ang OPAg at sinubukang mag-identify sa mismong bayan pa rin. Samantala, mapalad na napagkalooban ang Gahonon Modified Rapid Composting Farmers Association ng Daet ng isang walk-behind mechanical rice transplanter na kanilang magagamit sa kanilang malaking irrigated rice areas.

Kasabay rin ang pamimigay sa sampung indibidwal ng STW upang makapagtanim sila ng dalawang beses sa isang taon dahil sa sapat na suplay ng tubig gamit ang nasabing makinarya. Ang mga mapalad na magsasaka ay ang mga sumusunod:

Copy link
Powered by Social Snap