PhilMech at OPAg, pinasinayaan ang pag-update ng inventory ng mga makinaryang pansaka sa Camarines Norte

Dinaluhan ng labing-isang kinatawan mula sa mga Municipal Agriculturist Office, masasabing matagumpay na naisagawa ang orientation-workshop tungkol sa paggawa ng inventory ng mga makinaryang pansaka at pasilidad sa agrikultura na ginanap sa Dulzenia, Brgy. Lag-on, Daet, Camarines Norte  noong Mayo 30, 2019. Ito ay pinangunahan ng Provincial Agricultural Engineering Division ng OPAg katuwang ang Philippine Center for Mechanization and Post Harvest Development (PhilMech) na siyang nagpaliwanag ng layunin ng gagawing inventory at mga mahahalagang datos na kailangang makuha ng bawat munisipyo.

Ang nasabing gawain ay naglalayong malaman ang kasalukuyang antas ng mekanisasyon (level of mechanization) sa agrikultura na siyang magiging basehan ng mga programang nararapat pang ilatag sa probinsya lalo na sa bawat bayan. Nagkaroon ng workshop upang mas makita kung nakuha ng bawat isa ang paglalagay ng datos sa data capture form ng PhilMech.

Nagkaroon ng mga kasunduan na ang OPAg ang magbibigay ng mga forms na siyang lalagyan ng datos at ito ay ipapadala direkta ng bawat munisipyo sa PhilMech bagamat bibigyan ng kopya ang OPAg. Nagkaroon din ng suhestyon tungkol sa pagkakaroon ng insentibo ngunit dahil halos lahat ng teknisyan ay may tinatanggap na insentibo mula sa DA, naging kasunduan na lang na magbibigay ang probinsya ng gasolina bilang tulong sa transportasyon ng mga teknisyan. Napagkasunduan na ang deadline ng pagsumite ng mga datos ay sa Agosto 30, 2019.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copy link
Powered by Social Snap