Tiangge sa FishCon, paligsahan at iba pa, tampok sa ika-56 taong pagdiriwang ng lingo ng pangisdaan

          Setyembre 16, 2020 Daet, Camarines Norte – Ang Pamahalang Panlalawigan ng Camarines Norte ay matagumpay na naipagdiwang ang ika -56 Taong Linggo ng Pangisdaan o Fish Conservation Week sa bisa ng Executive Order No. 2019-30 ni Governor Egay Tallado na “Pagdeklara ng Ika-labing-anim hanggang ika-dalawampu ng Setyembre 2019 bilang Linggo ng Pangisdaan sa buong Lalawigan ng Camarines Norte” alinsunod sa Proclamation No. 316 series 2017, ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na “Pagdeklara ng buwan ng Setyembre bilang Maritime and Archipelagic Awareness Month.

Pamimigay ng tilapia fingerlings at seaweeds sa mga piling mangingisda

          Ito ay bilang suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng OPAg-Fisheries Development Division sa Provincial Fisherfolk Council (PFCL) sa Camarines Norte. Sinimulan ang nasabing selebrasyon sa pamamagitan ng pagbubukas/ribbon cutting ceremony ng “Tiangge sa FishCon” na ginanap sa  Inner Courtyard ng Kapitolyo. Ito ay sa pangunguna ng kinatawan ni Gov. Egay  Tallado na si Ginoong Edgardo Reyes, Multi-Services Caravan Director at ni Engr. Harold R. Gestiada, Officer-In-Charge. Kasama rin dito sina Ginoong Roy R. Ladea, Chairperson of Provincial Fisherfolk Council of Leaders (PFCL) at si Ginang Melinda L. Jerez, Supervising Agriculturist ng OPAG-Fisheries Development Division.

          Nagsagawa rin ng pamamahagi ng 120,000 similya ng tilapia sa labindalawa (12) Bayan ng Camarines Norte na ipinagkaloob ng BFAR RO V at isang toneladang pantanim na gulaman (seaweeds)sa sampung mangingisda mula sa bayan ng Vinzons, Camarines Norte na nagmula naman sa Seaweeds project ng OPAg-FDD sa Calaguas.

          Matapos nito ay nagkaroon ng maikling programa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mensahe ng ilan sa mga kinatawan ng pamahalaang panlalawigan na sina Ginoong Boy Reyes, Engr. Harold R. Gestiada at ni Ginoong Roy Ladea. Nagkaroon din ng FARMC-ON-AIR sa Radyo Pilipinas sa pangunguna ng PFCL at Lecture Demonstration on Seaweed Pickles and Fish Lumpia na dinaluhan ng mga RIC’s, Senior Citizens, at mga kawani ng kapitolyo.

         Sa   ikalawang   araw   naman,   Setyembre   17,  2019  ay  tampok  ang  Angling

Competition na ginanap sa Brgy. Bagasbas, Daet, Camarines Norte at Lecture Demonstration on tuna empanada, fish chips and seaweed pancit na pinangunahan ng ilan sa mga kawani ng BFAR na sina Ms. Jaquelyn Blantupas, Ms. Arvy Joy Taytay at dalawa pa nilang kasamahan.

          Tampok rin ang karera ng mga alimango na ginanap naman sa freedom park ng kapitolyo na nilahukan ng mga mangingisda sa bayan ng Vinzons, Paracale, Daet at Talisay noong Setyembre 18, 2019. Noong Setyemre 19, 2019 ay nagkaroon naman ng Bangkarera Competition na kung saan ang mga mangingisda ay nagpamalas ng kanilang angking galing at diskarte sa pagmamaneobra ng kanilang sasakyang pandagat. Marami sa mga residente ng Brgy. Bagasbas ang natuwa sa nasabing gawain.

        Sa closing ceremony ng ika-56 Taong Linggo ng Pangisdaan, ipinagkaloob ang cash prize at certificate of participation sa mga nagwagi sa iba’t ibang paligsahan, kabilang ang mga tiangge exhibitors na nagdisplay ng kani-kanilang produkto. Samantala, binigyan naman ng pagkilala/certificate of appreciation ang mga nagpamalas ng kanilang expertise sa Fish processing gamit ang raw material tulad ng isda, gulaman at iba pa.

          Nagbigay din ng taos pusong pasasalamat ang Chief of OPAG-Fisheries Development Division na si Ginang Melinda L. Jerez sa lahat ng tumulong, sumuporta lalo na Pamahalang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Egay Tallado at ni Engr. Almirante A. Abad, Provincial Agriculturist at sa mga ,nakilahok sa lahat ng aktibidad sa pagdiriwang ng ika-56th Taong Linggo ng Pangisdaan.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copy link
Powered by Social Snap