Varietal trial on hybrid corn cum Field Day, isinagawa

          Ang Provincial Technology and Demonstration Farm ay nagsagawa ng Harvest Festival/Field Day para sa Hybrid Corn Varietal Trial mula sa Corn Production Support Project nong ika-4 ng Oktubre taong 2019 na ginanap sa Provincial Demonstration Farm, Calasgasan, Daet, Camarines Norte. Ito ay dinaluhan ng nasa dalawang daang (200) katao na karamihan ay magtatanim ng mais at mga Agricultural Extension Worker mula sa iba’t ibang Municipal Agriculture Offices. Dumalo rin sa patitipong ito si Bokal “Bong Quibral upang masaksihan ang pag-aani kasama si Executive Assistant Joey Boma at nagbigay ng kani-kaniyang makahulugang mensahe para mapaunlad ang industriya ng mais. 

Hon. Reynoir “Bong” Quibral—Committee Chairman on Agriculture
habang nagbibigay ng kanyang mensahe

Nagbigay din ng mensahe at maikling ulat si Dean Medrano, DA-Assistant Corn Coordinator sa kalagayan ng ani at kalagayan ng industriya ng mais sa buong rehiyon kasama ang probinsya.

Pamimigay ng tilapia fingerlings at seaweeds sa mga piling mangingisda
Habang nagsasagawa ng “crop-cut” ang ilang dumalo
DA Assistant Corn Coordinator Dean Medrano

          Ang aktibidad na ito ay naglalayung makahikayat na madagdagan ang magtatanim ng mais sa buong probinsya bilang isa sa alternatibong pagkain maliban sa bigas at makadagdag sa pinagkukunan ng pagkain para sa hayop katulad ng baboy at manok. Ibinahagi dito ang tamang pag-aalaga at kung magkano ang kikitain sa pagtatanim ng mais. Ipinakita rin sa varietal trial kung anung klaseng binhi ang magandang itanim base sa mga binhing ginamit mula sa tatlong kompanyang pinagmulan ng ginamit sa pagtatanim.

Pag-aani ng mais gamit ang combine harvester DC70 ng Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copy link
Powered by Social Snap